Skip to content

Shehyee – TAG Lyrics

TAG By Shehyee

Napakalakas mo manlait
Wall mo puro ganyan laman
Hindi ka takot kung may magalit
Kasi puro parinig ka lang
Kaya nakakabanas basahin
Kung para kanino di ko alam
Ate/Kuya para alam namin
Pwede ba i-tag mo naman

Tag mo naman
Tag mo naman
Pwede ba i-tag mo naman
Tag mo naman! Tag mo naman!
Pwede ba i-tag mo naman

Ang tatag mo rin noh
Puro ka pabibo
Ang daming sinasabi pero di masabi sino
Hmmm… may nais ka bang parating?
Para kanino ba yang sinasabi mo bakit ba hindi mo siya banggitin?
“Kami’y isipin mo rin, nakakabitin kasi”
Sino ba ang iyong sasapakin? Para updated kami
Kailan ba talaga gaganapin?
Napakatagal kasi?
Yan ba’y tutuloy mo talaga men?
O baka sabi sabi?

Nakabili na kasi kami ng popcorn pre
Ang kulang na lang ay yung action pre
Pero pano niya yan ma-didiskubre?
Baka tinutukoy mo bnlock mo pre? Diba?

Napakalakas mo manlait
Wall mo puro ganyan laman
Hindi ka takot kung may magalit
Kasi puro parinig ka lang
Kaya nakakabanas basahin
Kung para kanino ‘di ko alam
Ate/Kuya para alam namin
Pwede ba i-tag mo naman

Tag mo naman
Tag mo naman
Pwede ba i-tag mo naman
Tag mo naman! Tag mo naman!
Pwede ba i-tag mo naman

Ey! Puro na lang kwento wala namang engkwentro
Babanatan daw naghahanap lang daw ng tyempo
Hmmm… may nais ka bang parating?

Para kanino ba yang sinasabi mo bakit ba hindi mo siya banggitin?
Pare! Isipin mo rin ang nag-iintay! Wag mo sana biguin ang mga naglike
Baka naman kapag merong nagreply, at ikaw ay tanungin, ikaw ay magdeny
Ayyy sayang naman popcorn pre
Baka mawalan pa ng action pre
Bakit kung kailan naman nadiskubre? Bigla ka naman bumait? Anyare?

Pre napakalakas mo manlait
Wall mo puro ganyan laman
Hindi ka takot kung may magalit
Kasi puro parinig ka lang
Kaya nakakabanas basahin
Kung para kanino di ko alam
Ate/Kuya para alam namin
Pwede ba i-tag mo naman

Gusto kong makalaban si Gloc
Kaso para daw akong lasing
Biglang napaawit lahat
Kasi di daw kami magka-sing
Bakit daw ako naghamon sa alamat
Ang alat ko daw #asin
Diba ang sabi nya mangarap ng mataas?
Yun lang naman gusto kong gawin

Pero salamat sa inyo meron akong napagtanto
Kung gusto kong abutin ang pangarap ko ay hindi dapat sa paraan na ganto
Idol wag na magtampo, mali pala ang hinamon ko
Nagets ko rin, salamat
Mangangarap na po ako ng mataas
So si Eminem na pala dapat

Kasi wala nang iba sa Pinas, tapos na si Loonie’t ako
Bakit nga naman kailangan pa nating maglaban e mas magaling yun sayo
At di mo kailangang pumatol, wala ka nang papatunayan
Alam naman naming lahat na ‘gang kanta ka lang, at di mo kayang lumaban

Love you idol

Breggy! Magfocus ka gagi
Tungkol ba sa kanila ang kantang to?
Ha? Gago ka ba?
Tungkol ito sa tag nata-tag ako
Kailangan ko pa bang ipaliwanag ang ibig sabihin kung na-tag kayo?
Okay, ibig sabihin ganto!
Kayo lang ang rapper na kilala ko
Yung ibang mga putan**na
Nalimutan ko na
Sige teka isipin ko pa
Wala talaga
Shet di ko sila maalala
Nakakabahala
Shehyee, kaw talaga! Baka, pagka naging abo na!