Skip to content

Ben & Ben – Di Ka Sayang Lyrics

Di Ka Sayang Lyrics – Ben & Ben

Kahit di mo sinasabi
Ramdam ko ang pagkukunwari
Akala’y masaya
O parang may lungkot sa tawa
Bigat ng mga katanungang
Dumadagan sa iyong isipan
Di kailangan na buhating mag-isa

Di ka sayang, di kailangan manghinayang
Di ka sayang, di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga, kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

Itapon na sa kalawakan
Sanlibong bakit na di matuldukan
Di kailangan na buhating mag-isa

Di ka sayang, di kailangan manghinayang
Di ka sayang, di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga, kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

At kahit talikuran ka nila
Tanggap kita, bitawan na ang iyong pangangamba
Di pa huli para humilom
Ang mga sugat ng iyong nakaraan
Di kita iiwan

Di ka sayang, di kailangang manghinayang
Di ka kulang, di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga, kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita
Tanggap kita
Sarili ay mahalaga, kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita
Tanggap kita, tanggap kita, tanggap kita