Skip to content

Awi Columna – Easy Lang Lyrics

Easy Lang Lyrics – Awi Columna

Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare easy lang (easy lang)
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare, pare easy lang
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare easy lang (easy lang)
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare, pare easy lang

Chillin, hayahay, mata ay mapungay
Sulitin ang kulay na hatid lang ng buhay
Gamitin mo sa wais ang ‘yong husay
Para pag tagal-tagal di ka maumay
Iwasan ang peke alagaan ang tunay
Wag kang umere tumingin ka lang sa pakay
Di ka nabubuhay para maghanap-buhay
Naghanap-buhay ka para ikaw ay mabuhay
Minsan ay kailangan huminto saglit
Makisama sa trip sa halip na magpilit
Kahit di fit na magsuot ng di mo damit
At magpaka-elite para lang masabi na lit (uhh)
Ang ibig kong sabihin ay wag kang magpa-alipin
Sa mga bagay na “in” na di mo naman talaga hangarin
Ang tuunan ng pansin ay kung saan ka magaling
Respeto’t kayamanan ay sunod sunod na darating

Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare easy lang (easy lang)
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare, pare easy lang
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare easy lang (easy lang)
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare, pare easy lang

Kung gusto mong may mangyare
Palitan mo ang reklamo ng diskarte
Dapat positibo para lagi kang kampante
Di bale ng matibo sa daan basta abante
Ang importante ikaw ay masaya
Di ka man galante alamin ang halaga
Ng mga tao na sayo ay di na iba
Wag kang makalimot kahit na umangat ka na
Tapos pag sumagad ka na dapat ay bumuhat ka pa
Ng mga kasama mo para hindi ka mag-isa
Mas masarap ang serbesa kung may kampay ng iba
Tutuloy ang sistema pasa mo sa kaliwa
Pasa nya sa kaliwa at pasa nun sa kaliwa
Tinototoo ko para hindi ako mapahiya
Minsan ay pilitin ang sarili na magpahinga
Para bukas ay handang harapin ang bagong pahina

Ba’t ba gusto mong yumaman
Di mo ba kayang lumaban
Wag madala sa tukso ng pera
Hanapin mo ang saya sa
Napili mo na karera
Sa buhay na to…
Ikaw yung bida
Hey!

La la la la laaahhh…
Ito’y pasarapan
Hindi payamanan

Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare easy lang (easy lang)
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare, pare easy lang
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare easy lang (easy lang)
Ang buhay ay hindi payamanan
Ito ay pasarapan kaya pare, pare easy lang

Easy lang, pare easy lang
Easy lang, pare easy lang
Easy lang, pare easy lang
Easy lang, pare, pare easy lang