Skip to content

Alisson Shore – Interesado Lyrics

Interesado Lyrics – Alisson Shore

Patimpalak ba ang buhay mo
Bakit di ko ramdam na panalo ako?
Puro kalinga ang iginawad
Ngunit sabi mo ‘di tayo talo – teka, teka

Te – ka, parang ganan ang galawan mo sa lahat
Di ko mai-isplika
Kung ta -ma pa ba aking dinadamdam sa’yo

Di naman gaano
Wag ko na ngang masyadong
Ipahalata na ako lang yung interesado

Di naman gaano
Wag ko na ngang masyadong
Ipahalata na ako lang yung interesado

Sa dami na ng nagsabi na di lang ako
Ang iyong ginusto
Kung magbigay motibo
Akala mo naman ay may ikaw at ako, pero pero

Paru-paro ka ba sa hardin
Lahat ng bulaklak kinain mo ba’t
Nabasa ko na topic ka sa dyaryo
Buwan buwan may dalaw daig pa ang kalendaryo
Poste sagad pag umiilaw
Lahat ng gamu-gamo iyong napukaw
Napuwing aking mata na parang inihaw
Malabo at mausok ganyan ka hindi malinaw

Di naman gaano
Wag ko na ngang masyadong
Ipahalata na ako lang yung interesado

Di naman gaano
Wag ko na ngang masyadong
Ipahalata na ako lang yung interesado

Di na ba nakaramdam
O walang pakialam
Sadya bang ako’y mangmang
Sa ganito?

Di na ba nakaramdam
O walang pakialam
Sadya bang ako’y bulag
Na sa iyo?

Sino ba naman ako sa iyo?
Sino ba naman ako sa iyo?

Teka, teka
Te – ka, parang ganan ang galawan mo sa lahat
Di ko mai-isplika
Kung ta -ma pa ba aking dinadamdam sa’yo

Di naman gaano
Wag ko na ngang masyadong
Ipahalata na ako lang yung interesado

Di naman gaano
Wag ko na ngang masyadong
Ipahalata na ako lang yung interesado