Skip to content

PHP CHRLS – Adlaw Lyrics

Adlaw Lyrics – PHP CHRLS

Naaalala mo pa ba ang unang araw nagtagpo ating mga mata
Para bang nahihiyang pusong may halong kaba ganon pala pag nakita na

Ang bubuo sa buhay ko
Hindi ko inakalang
Hahantong to sa tayong dalawa
Patungo sa pangakong sasamahan ka sa

Araw-araw ikaw lamang
Ang syang iibigin ko sa bawat paggising ko
Araw-araw ikaw lamang
May hawak ng puso ko pangakong sasamahan ka

Away at tampuhan ay di naging hadlang
Mas lalo lang kitang minamahal
Walang oras na hindi ka hinanap
Ikaw ang aking pangarap yeah oh ikaw nga

Ang kabiyak ng puso ko yeah
Hindi ko inakalang
Hahantong to sa tayong dalawa
Patungo sa pangakong sasamahan ka sa

Araw-araw ikaw lamang
Ang syang iibigin ko sa bawat paggising ko
Araw-araw ikaw lamang
May hawak ng puso ko pangakong sasamahan ka

Lahat ay ibibigay
Tanging pagmamahal sayo lamang iaalay
Kaya wala ng hahanapin pa
Sasamahan ka (Sa habang buhay)
Na na na na na na…
Yeah…

Araw-araw ikaw lamang
Ang syang iibigin ko sa bawat paggising ko
Araw-araw ikaw lamang
May hawak ng puso ko pangakong sasamahan ka
Araw-araw