Skip to content

Gloc-9 – AKO AY IKAW RIN Lyrics

AKO AY IKAW RIN Lyrics – Gloc-9

Pag-gising mo sa umaga maliligo ka sa banyo, papasok ka sa eskwela,
manghihingi ka ng baon, kung titigna’y wala kang pinagkaiba sa lahat
ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
ng isang makatang laging titingalain ng lahat
mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
na balang araw ay sasambitin,
awit mo’y kakantahin
ng lahat ng batang tulad mo’y may pangarap rin.

Ngunit ngayo’y nagisisimula ka pa lang
di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
kahit na ito’y mabagal na parang nakasaklay
ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
at walang makakapigil, kahit minsan ay parang
wala ka ngang maayos na lupang pwede mong lakaran
Ngunit alam mo na ito ang dapat mong gawin
Maniwala ka sakin dahil ako ay ikaw rin.

Chorus:
Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Na ang siyang dapat mong bitawan
Sige huwag mong tigilan
Kung ikay nasa baba taas lang ang patutunguhan
Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas
Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas
Na ang syang dapat mong bitawan
Yan ang dapat mong gawin maniwala ka sakin dahil ako ay ikaw rin

Uunahan na kita ngayon ay makinig ka na
May panahon na para bang nagkamali ka ng pasya
At tila ang lahat ng tao sa iyo ay naka ngisi
Maging ang magulang mo ikaw lang ang syang sinisisi
Pero huwag kang magalit yan ay natural lamang
Tanging nais nila’y siguradong kinabukasan
Na para sa’yo dahil ikaw ay kanilang mahal
Kaya pakinggan mo ako mag tapos ka ng pag-aaral
Dahil ‘di nanganganak ng perang lapis at papel
Puwera nalang kung anak ka ng may ari ng San Miguel
Biglang mag kakaron ng album
Mga kotse ni luda
At kasing sikat mo ang rapper na si Allan Pineda
Pero di kayang bayaran ng pera kahit magkano
Pag pinapatugtog ng bata ang awit mo sa radyo
Ngayon ay alam mo na kung anong dapat mong gawin
Maniwala ka sakin dahil ako ay ikaw rin.

YouTube video
"