Skip to content

Gloc-9 – EXCUSE ME PO Lyrics

EXCUSE ME PO Lyrics – Gloc-9

Ako’y tutula, mahabang mahaba
Ako’y uupo, pag tapos na po
Napakaraming nagkalat na huwarang makata
Akin na yang mikropono, excuse me po!
Ako’y tutula, mahabang mahaba
Ako’y uupo, pag tapos na po
Napakaraming nagkalat na huwarang makata
Akin na yang mikropono, excuse me po

Una sa lahat ang pangalan ko nga pala’y Gloc-9
Lahat ay napapatigil na para bang stop sign
Namumuti kapag narinig na parang albiiin – o
Na dila di makapagsalita… that’s fine
Pag hinawakan ang mic, tuloy-tuloy parang bike
Ang mga salitang sinulat, parang kasinglupet ni Syke, aight
Di ko kailangan ang isang katutak na bling bling
Eto ang mic, ang CD patugtugin mo, tapos sing
Ayus, ganun ka simple, gusto mong doble?
Sabayan ang mga salitang sinasabe, dun ka sa korte
Kasi ngayon alam mo na, ako talaga, ang siyang pinaka-
Kung gusto nang malupet na kataga
Halika s’akin ka umapila
Walang katapat ang Hiphoppan na ‘to
Sumabay sa bagsakan na ‘to
Sige pustahan tayo, bukas ay may pirata na ‘to
Cruisin’ with the Beatmonx, kahit na may speed bumps
Ako ang lirikong taga bigay sa inyo ng goosebumps

Everybody be dissin-listenin’ sa ganyang paraan
Nang makilala para ang boses ay pakinggan
Teka, bakit ka ba ganyan?
Wala ka bang mapagtripan?
Matino pa nga sa’yong mga miyembro ng atiban
Sa totoo lang, ayaw na sana kitang patulan
Pero ako na ang nahihiya sayong magulang
Pag humawak ka ng mic, okay lang basta malinis
Wag lang yung parang gusto mong mailagay ka sa Guiness
Bilang walang kakwenta-kwentang lirikong astig
Wala sa timing ang lahat na lumalabas sa bibig
Nakakadagdag ka lang sa kahirapan ng bayan
Pag may recording ka, ang koryente’y palaging sayang
Ang gusto ko lang sabihin kahit medyo pabiro
Kung gagawa ka ng awit sumulat ka ng matino
So you’d be cruisin’ with the Beatmonx, kahit na may speedbumps

At maging lirikong nakapagbibigay ng goosebumps

YouTube video
"