Skip to content

Gitna Ng Langit – LA Santos Lyrics

LA Santos Lyrics – Gitna Ng Langit

Matang namumungay
Sa akin ay nangungusap
Kabog ng iyong puso’y lumalakas
Sa bawat halik, nais kong ilabas
Ang hiling mong ligayang hiram
Kaya damdamin ko’y nagliliyab
Dahil

Sabik na akong sisirin
Ang tila dagat mong katawan
‘Di ko na mapigilan
Gusto na kita na iduyan
Sa gitna ng langit

‘Wag kang kabahan
Puso ay hibang
Dahan dahan lang sa paglilibang
Kay init ng iyong mga yakap
Wag kang mailing
Hahanapin lang ang mga ligaw na liwanag
Kiliting tawag ay bulalakaw

Ang hiling mong ligayang hiram
Kaya damdamin ko’y nagliliyab
Dahil

Sabik na akong sisirin
Ang tila dagat mong katawan
‘Di ko na mapigilan
Gusto na kita na iduyan
Sa gitna ng langit
At mga bituin
Sa kalawakan ka kilalanin

YouTube video