CARLO – Tahan Na Lyrics

Tahan Na Lyrics – CARLO

Pangakong ‘di luluha
Ang ‘yong mga mata
Hahawakan ang iyong kamay sa’n ka man magpunta
Huwag ka nang matakot
Nandito lang ako
Pipiliin kita
Kahit ‘di ka pinili ng nais mo

Kaya’t tahan na
Hindi ka na mag-iisa
Sa istoryang ito nangangako sa ‘yong pipiliin ka
Kaya’t tahan na

Dahan-dahang talikuran
Ang kwentong nakasanayan
At buksan mo ang bagong yugto na kasama ako
Ako’y iyong sandalan
At pwede ring tahanan
Na mababalikan kung sarili ay ‘di maintindihan

Kaya’t tahan na
Hindi ka na mag-iisa
Sa istoryang ito nangangako sa ’yong pipiliin ka
Kaya’t tahan na

Darating din ang pangako
Sa ating dalawa
Sa ating dalawa

Kaya’t tahan na
Hindi ka na mag-iisa
Sa istoryang ito nangangako sa ‘yong pipiliin ka
Kaya’t tahan na
Ooh ooh

YouTube video