Kean Cipriano – Tayuman Lyrics

Tayuman Lyrics – Kean Cipriano

‘Di ko alam ang nararamdaman
Sa t’wing ginagamit mo ang bigay kong panyo
‘Di ko rin alam ang nararamdaman
Sa t’wing ang balikat ko’y basa sa luha mo

Pero ‘di dahil sa’kin sinta
Puro na lang siya
Kailan mo’ko makikita?

Tayo man o hindi
Nandito ako naghihintay
Kung sabay ba tayo sa buhay
Tayo man o kung sino man ang para sa’yo
Sanay ako
Sana’y ako

At alam ko
Kaibigan lang ako
Na laging nandito
Handang handa sumalo

Kapag ika’y nasasaktan
Sabihin mo lang
Kahit nasan ka man
Hinding hindi kita pababayaan

Tayo man o hindi
Nandito ako para sa’yo
Ako na lang ang sandalan mo
Tayo man o tayo man talaga
Sanay ako
Sana’y ako

Sanay naman ako
Sanay naman ako
Sanay naman ako

Sana’y ako naman
Sana’y ako naman
Sana’y ako naman

Sanay naman ako
Sanay naman ako
Sanay naman ako

Sana’y ako naman
Sana’y ako naman
Sana’y ako na lang

Sanay ako
Sana’y ako

YouTube video