hindi mo alam Lyrics by Ace Banzuelo
Laking tuwa
Makita ang ngiti sa iyong mga mata
Tila pinagpala
Magkakilala ang mga kaluluwa
Kay tagal ko nang hinahanap
Kahulugan ng pag-ibig sa’yo natagpuan
Walang hanggang aking inaasam
Tanging ikaw lang pala, mahal
Hindi mo alam, kung gaano kita iniibig
Hindi mo alam, parati kitang iniisip
Dito ka na lang, gusto kitang kasama
Dito ka na lang, mahal
Dito ka na lang, gusto kitang kasama
Dito ka na lang, mahal
Daming nais gawin na ika’y kasama
Abutin mga bituin, mga pangarap
Himala kung isipin
Makilalang para sa’kin
Mahal, alam mo ba ikaw aking panalangin
Kay tagal ko nang hinahanap
Kahulugan ng pag-ibig sa’yo natagpuan
Walang hanggang aking inaasam
Tanging ikaw lang pala, mahal
Hindi mo alam, kung gaano kita iniibig
Hindi mo alam, parati kitang iniisip
Dito ka na lang, gusto kitang kasama
Dito ka na lang, mahal
Dito ka na lang, gusto kitang kasama
Dito ka na lang, mahal
Oh, aaminin ko
Na walang makapapantay sa iyo
Laking salamat ko
At nakilala ang isang tulad mo
Tagal ko na ring nahulog sa’yo, ooh, sa’yo
Hindi mo alam, kung gaano kita iniibig
Hindi mo alam, parati kitang iniisip
Dito ka na lang, gusto kitang kasama
Dito ka na lang, mahal
Dito ka na lang, gusto kitang kasama
Dito ka na lang, mahal