Mawala Lyrics by Ace Banzuelo
Walang ibang gusto
Kung ‘di ang pag-ibig mo
Alam mo ba, ikaw ang pinapangarap ko
Ang ating landas dati’y nagkalayo
Ngayo’y muling pinagtagpo
Aminin ko sa ‘yo, dati pa napamahal ako
Tagal kong ‘di narinig inibig
Kong tinig Ilang taon kitang iniisip
Ngayon alam kung bakit ‘di kayang umibig
Kung ‘di ikaw, ‘wag na lang ‘rin
Mga pangarap ko ay para sa ‘tin
Laman ng aking panalangin
Ayaw kong mawala ka sa ‘kin
Kailangan bang mawala ka?
‘Di na kita makikita
Parang hindi ko magagawa
Umibig ng iba
Gusto ko ikaw na lang
Gusto ko ikaw na lang
Gusto ko ikaw na lang
Kaya sana ikaw na lang
Tanong ko sa langit
Pahiram lang ba ang oras natin?
‘Kala ko tayo ang pinagtagpo
Pero bakit pilit tayong pinaglalayo?
Ooh, malayo ba doon
Sa ‘yong pupuntahan? Ooh
Alam kong hindi mo ‘ko malilimutan
Mauulit ba ang nakaraan?
Napako sa ating iniwan
Lihim na umasa
Nung muli kitang nakita
Ngunit buhay nati’y magkaiba
Pagsapit ng gabi, walang iniisip
Kung ‘di sana iba ang nangyari
May pag-asa pa ba para sa’tin?
Laman ng aking panalangin
Ayaw kong mawala ka sa ‘kin
Kailangan bang mawala ka?
‘Di na kita makikita
Parang hindi ko magagawa
Umibig ng iba
Gusto ko ikaw na lang
Gusto ko ikaw na lang
Gusto ko ikaw na lang
Kaya sana ikaw na lang
Ginawa ba natin ang lahat?
‘Di ba talaga ito sapat?
Sadyang tadhana nati’y mapaglaro
Kahit totoo, pinaglalayo
Kailangan bang mawala ka?
‘Di na kita makikita
Parang hindi ko magagawa
Umibig ng iba
Gusto ko ikaw na lang
Gusto ko ikaw na lang
Gusto ko ikaw na lang
Gusto ko ikaw na lang