Adie – Panatag Lyrics

Panatag Lyrics by Adie

Hindi makapaniwalang sa’kin ka
Parang kahapon lang ayaw mo sa’kin
Parati pa rin sa’yo namamangha
Lumitaw muli ngiti sa aking labi
Oooh

Kumpyansa ko’y nag-uumapaw sa sigla
Sa tuwina, agad naaalintana
Aking anyo ‘di mo binago
Sa piling mo, ako ay ako
Natuklasan ko na ang langit, dahil sa’yo

Ooh, kay sarap magmahal ‘pag panatag ang puso
Ang lahat sa’yo lang ipagkakaloob, ‘di na lalayo
Salamat tinanggap mo ako nang buong-buo
Sa’yong, sa’yong, sa’yo ako

Nag-iisa kong kahilingan
Binigyan mo ng katuparan
Ang pumayapa na sa tahimik
Puso’t isip

Gusto ko na kasing mamalagi
Sa yakap mong langit ang katumbas
Hirap sa tiwala iyong nilutas
Tiyak na ‘di nagkamali sa’yo

Ooh, kay sarap magmahal ‘pag panatag ang puso
Ang lahat sa’yo lang ipagkakaloob, ‘di na lalayo
Salamat tinanggap mo ako nang buong-buo
Sa’yong, sa’yong, sa’yo ako
Sa’yong, sa’yong, sa’yo ako

Puso’y ‘di mahihiyang
Ibigin ka hanggang sa mahiyang
Tayo lang sa tayog ng magpakailan pa man
Puso’y ‘di mahihiyang
Ibigin ka hanggang sa mahiyang
Tayo lang sa tayog ng magpakailan pa man