Amiel Sol – Pakikinggan Kita Lyrics

Pakikinggan Kita Lyrics by Amiel Sol

Sasanayin na lang ang sarili
Na sarilihin na lang ang lahat
‘Yan ang pangako mo sa sarili
Ngunit kasama mo na ‘ko sa lahat

Huwag mong isiping ika’y mag-isa
Sa akin mo lang ipasa
Ang bawat pabigat sa ‘yong puso
Ay unti-unti nating bitawan

Huwag kang mag-alinlangan, giliw
Hinding-hindi ka pasanin
Ang mga bumabahala sa ‘yong isip
Ibuhos mo lahat sa akin

Kailanman ay hindi ka abala
Ikuwento mo ang bumabagabag
Sumandal ka lang sa aking balikat
Buong gabi kitang pakikinggan

Huwag kang mag-alinlangan, giliw
Hinding-hindi ka pasanin
Ang mga bumabahala sa ‘yong isip
Ibuhos mo lahat sa akin

Araw-araw kong ipaparinig
Na hinding-hindi ka pasanin
‘Wag ka nang magdadalawang-isip
Ibuhos mo lahat sa akin
(Nandito ako para sa ‘yo)
(Nandito ako para sa ‘yo)

Huwag kang mag-alinlangan, giliw
Ibuhos mo lahat sa akin