Amiel Sol – Tahimik Na Buhay Kapiling Ka Lyrics

Tahimik Na Buhay Kapiling Ka Lyrics by Amiel Sol

Pagbukas ng pinto
Nakaabang ang bisig ko
Para sa ‘yo, alam ko
Na napagod ka sa araw mo

Kwentuhan mo ako
Habang tayo’y naghuhugas ng plato
Ako eto ang araw ko
Buong araw nakaabang sa ‘yo

Sa pag-uwi mo
Pangarap ko ang
Tahimik na buhay kapiling ka
Dumating sa ‘ting tahanan
Munti man, kay sarap uwian
Bukas makalawa, matutupad ating hiling

Pagdilat sa umaga
Ikaw agad ang unang nakikita
Gumaganda agad ang araw
Dahil ikaw ang aking tinatanaw

Minamahal ko
Pangarap ko ang
Tahimik na buhay kapiling ka
Dumating sa ‘ting tahanan
Munti man, kay sarap uwian
Bukas makalawa, matutupad ating hiling

Pangarap ko ang pag-ibig
Buong buhay kasama ka