Arthur Miguel – Maligaya Street Lyrics

Maligaya Street Lyrics by Arthur Miguel

Dito lang
Tayo ay hanggang dito lang
Magulong mga daan
Hindi ito katulad ng Diliman

Ilang beses kang pumara
Di ka pinapansin
Naiwanan ka na sa QC
Nagbibilang ng mga sandali

Para naman
O, pasubok magmahal
Patungo sa kalye ng

Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah
Pamaligaya-maligaya
Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah
O, dalhin mo ako sa maligaya

Meron ba
Meron pa kayang darating?
‘Di naman ako nagmamadali
Napapagod lang na maghintay sa dilim

Naunahan ka pa ng kasabay mong
May makapal na salamin
Napaisip ka na kung bakit
Ikaw ay naghihintay pa rin

Para naman
O, pasubok magmahal
Patungo sa kalye ng

Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah
Pamaligaya-maligaya
Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah
O, dalhin mo ako sa maligaya

Dinaanan
Iniwanan
Malamig na gabi
Yumayakap

Kalungkutan
Humahawak
Sa kamay kong manhid
‘Di mahawakan

Nakaukit sa mga palad na ikaw ay mag-isa
Nakaukit sa’yong sarili na wala kang halaga

Para naman
O, pasubok magmahal
Patungo sa kalye ng

Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah
Pamaligaya-maligaya
Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah
O, dalhin mo ako sa maligaya

(Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah)
(Pamaligaya-maligaya)
Para naman, para naman
(Pamaligaya-pa-pamaligaya-ah)
Darating ka ba?
Darating ka ba?”