Arthur Miguel – PDKL Lyrics

PDKL Lyrics by Arthur Miguel

Verse I:
Huwag ka sanang lumayo
O kay tagal kang hinanap ng puso
Tama na ba ang panahon?
Ikaw na ba ang huli hanggang dulo?

Pre-Chorus I:
Umulan man o umaraw,
Hanggang sa paglubog ng buwan,
Sasamahan,
Pipiliin ko’y ikaw.

Sa pag-iyak at sa pagtahan,
Kahit pa naiinis,
Panalangin ko palagi
Ay ikaw.

Chorus:
Pwedeng dito ka lang?
Ako’y handang masaktan
Aawitan kita,
Kahit boses man ay mapagod,
Sa’yo, sa’yo lang ako

Verse II:
Huwag ka sanang lumingon,
Ako na’ng bahala sa masakit na kahapon
At kapag ika’y naliligaw,
Hinding-hindi ’to bibitaw
Gaano man kalayo,
Natatanaw ng puso

Pre-Chorus II:
Umulan man o umaraw,
Sa pang-apat mong kape,
Sasamahan,
Pipiliin ko’y ikaw.

Sa pagtanda at pagbabago,
Iwan man nila tayo,
Panalangin ko palagi
Ay ikaw.

Chorus:
Pwedeng dito ka lang?
(Pwedeng dito ka lang)
Ako’y handang masaktan
(Ako’y handang masaktan)
Aawitan kita,
(Aawitan kita)
Kahit boses man ay mapagod,
(Sa’yo lang ako)
Sa’yo lang ako

Bridge:
Sa’yo lang ako,
Ikaw aking mundo.
Sa’yo lang ako,

(Sa’yo lang ako.)

Sa’yo lang ako,
Ikaw aking mundo.
Sa’yo lang ako,

(Sa’yo lang ako.)

Bulong ko sa langit
Ika’y manatili,
Hanggang takip-silim

(Sa’yo lang ako.)

Sa bawat indak ng
Aking mga himig,
Hanggang sa huling panalangin,

Ikaw pa rin ang pipiliin

Chorus:
Pwedeng dito ka lang?
Ako’y handang masaktan
Aawitan kita,
Kahit ang boses ay mapagod,
Sa’yo, sa’yo lang ako