Arthur Nery – Paralisado Lyrics

Paralisado Lyrics by Arthur Nery
(Feat. Adie)

Iniaasa na lang sa iyong panlalamig
Pamamanhid daw habang tumatagal
Sinong iisipin?
Sinong unang uunawain?
Kung ang sarili kong hanap ay ikaw

Palaring salarin, ‘la ka bang salamin?
Hirap mo ay hirap ko rin, mahal
Madaling mahalin, hirap intindihin
‘Di ka rin nagpapaangkin

Dahang napapansin mo aking pagtingin
Tila naakit mo gamit ‘yong paglambing
Oh, paralisado pagdating sa ‘yo
Sino ako? Sino sa ‘yo? Mm
Sino sa ‘yo, sa ‘yo, sa ‘yo, sa ‘yo?

Isinalin nating dating pag-iisa
Sa kaliwa o kabilang ibayo, ‘la sa ating plano
Tila tinangay hinay-hinay, kinasanayang ugnayan
‘Kakapanghinayang, nakapanghinayang

Palaring salarin, ‘la ka bang salamin?
Hirap mo ay hirap ko rin (Mahal)
Madaling mahalin, hirap intindihin
‘Di ka rin nagpapaangkin

Dahang napapansin mo aking pagtingin
Tila naakit mo gamit ‘yong paglambing
Oh, paralisado pagdating sa ‘yo
Sino ako? Mm
Sino sa’yo?

Nananabik ‘pag nailalarawan ko na
Maging haligi sa iyong uwian
Kung hindi ka mahuli (Kung hindi ka)
Hindi na liilipad (Hindi na)
Nang makita mo ang pag-ibig na aking inilalapag

Dahang napapansin mo (Dahang) aking pagtingin
Tila naakit mo gamit ‘yong paglambing
Oh, paralisado pagdating sa ‘yo
Sino ako? Mm
Sino sa ‘yo? Mm
Sino sa ‘yo, sa ‘yo, sa ‘yo, sa ‘yo?