Baybayin Lyrics by Ben&Ben
Kahit naman malayo nang baybayin
Lagi namang pag-ibig ay sa atin
Naalala mo ba nung 2017?
Chicken nuggets at Coke o hati-hati
Tayo noon, pagkatugtog
Ng madaling araw sa route 196
Kathang isip na balang araw
Pangarap ay magkakatotoo
‘Di nagbago ang pagtingin
Araw, araw tayo sumuong
Kahit naman nung 2018
Nung sumasabay sa ‘ting awitin
Ang liwanag na kasama natin
Sa bawat probinsya, eskwela at guesting
‘Di tayo nagpatibag, kahit mahirap
Walang hindi hinarap
‘Di nagpasilaw sa ilaw at kulay
Kahit pa anong hamon ng buhay
Karagatang sinasagwan
Balikan, balikan
Tahanan na pinagmulan
Balikan, balikan
Naalala mo ba nung 2019
Nilakad ang Limasawa street
Nagbunga ng album on repeat
Multi platinum, ‘di akalain
Pero mas mahalagang nabuo
Pundasyon ng samahang totoo
‘Di malilimutan, ang siyam na kaluluwang
Pagka-gig ay kakain ng samgyupsal
Ngunit nung 2020, biglang may pandemic
Parang gumunaw na mga mundo natin
Niyanig man ng pangamba
May plano pa pala si Bathala
Dal’wang taon, nasa isang bahay
Tuloy pa rin ang agos ng buhay
Musika’t alaala
Ng pebble house, ‘di mabubura
Karagatang sinasagwan
Balikan, balikan
Tahanan na pinagmulan
Balikan, balikan
’22 natapos ang pandemya
Bumuhos ang pagsubok at biyaya
Hindi man lahat madali
Sinubukang sulitin bawat sandali
2023, ’24, ’25
Each of us had to move forward with life
Sa litrato na lang ba mababalikan
Tawanan, iyakan, at biruan
Ngayon papunta sa panibagong yugto
Isa-isang nagka-asawa’t anak
May isang mapapalayo
Saranggola ma’y lilipad
Sa’n man hipan ng amihan
‘Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
Karagatang sinasagwan
Balikan, balikan
Tahanan na pinagmulan
Balikan, balikan
