Cup of Joe – Sandali Lyrics

Sandali Lyrics by Cup of Joe

Nahuhulog na pala
Mga dahon ng alaala ng nakaraan
Nakalatag na sa ‘ting daan
Nalulunod na pala
Sa oras at kahit pa bali-baliktarin
Ang agos ay nakakulong pa rin

Sumasabog na ang mga bituin
Maaari bang tanungin?
Kung maabot man natin ang hanggan
Tatalon ka ba? Kasi ako

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
‘Di man alam ang gagawin
Sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
‘Di magbabago aking pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali

Mawala man sa gitna ng gulo
Ay hahawakan ang iyong kamay
Tayo ay sabay na lalakbay
Sa kalawakan na magsisilbing tulay
Tungo sa ugnayan ng ikaw at ako (Ikaw at ako)
Tatalon nang sabay (Hey)

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
‘Di man alam ang gagawin
Sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
‘Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali

Tubig nasusunog, hangin nananakal
‘Di man alam ang gagawin
Sa’yo pa rin, sa’yo pa rin
Ulap nalulunod, araw giniginaw
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
‘Di man alam ang gagawin
Sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
‘Di man alam ang gagawin
Sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
‘Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali

Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
‘Di man alam ang gagawin
Sa ‘yo pa rin, sa ‘yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
‘Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali