Tingin Lyrics by Cup of Joe
Dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan
Mga saglit na inilikha, kakaiba ang tama
Ng sinag sa’yong kutis na kayumanggi
Oh, sa’n ba ‘ko dinadala?
Bawat ngiting biglaang nabura iyong naipinta
Hiwaga ng ‘yong tingin nang-aalipin
Kahit sa’n man madala
‘Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran
Sa’yo lang ang tingin
‘Di pinapansin, ika’y paiikutin
Nang dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan
Sa bawat sandaling ikaw ay pinagmamasdan
May dumadapong kiliti na ‘di maunawaan
Walang imik, ‘di mabanggit
Nasa aking isip ikaw lang ang nagmamarka
Kahit mabitin aking salita, mata’y ibinubunyag na
Sa’yo lang magpapaangkin, ‘di palalampasin
‘Wag ka sanang kumawala (‘Di mawawala)
‘Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran
Sa’yo lang ang tingin
‘Di pinapansin, ako’y paiikutin
Nang dahan-dahan lang
Sa gitna man ng daan
Oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh-oh
‘Di man alam ang darating
Sa dulo at sa gitna ng dilim
Sa liwanag mo nakatingin
Sa’yo nakatingin, sa’yo lang ang tingin
‘Di man alam ang darating
Sa dulo at sa gitna ng dilim
Sa liwanag mo nakatingin
Sa’yo nakatingin, sa’yo lang ang tingin
‘Di pinapansin, ingay sa tabi
Magulong kapaligiran
Sa’yo lang ang tingin
‘Di pinapansin, ika’y paiikutin
Nang dahan-dahan lang (Dahan lang)
Sa gitna man ng daan
(‘Di pinapansin) ‘Di pinapansin, (Ingay sa tabi) ingay sa tabi
(Magulong kapaligiran) Magulong kapaligiran
(Sa’yo lang ang tingin) Sa’yo lang ang tingin
(‘Di pinapansin) ‘Di pinapansin, (Ika’y paiikutin) ika’y paiikutin
(Nang dahan-dahan) Nang dahan-dahan lang
*Sa gitna man ng daan*
