Dilaw – ALL IN Lyrics

ALL IN Lyrics by Dilaw

Huy, naloko na
Ba’t gan’to bigla ang aking trip?
Ang sabi ko sa sarili, napapaisip
Ano kaya, tumaya nalang bigla?
Wala na ‘kong pake
Basta pareho tayong masaya

Ayoko nang i-overthink
Halika, sabay tayo mag

All in, may gusto ka bang hanapin?
Handa ka bang tahakin?
Ibibigay ko ang lahat, as in
All in, mundo mo ay magbabago
Ready ka na bang makita?
Ibigay mo ang lahat, all in

Huy, alam ko na
Geh, gan’to nalang para smooth
Kase ‘la naman na akong idea kung bakit ganito
Kung ba’t ayoko na talaga minsan, bale balisa
Utak ko, nauurat, pasensiya, nawawalan ng bisa
Gisang gisa, gigising na

Handa akong sumabay sa trip
Katakot pero sana, oks lang mag

All in, araw, araw iibigin
Sorry na medyo mahangin
Ibibigay ko ang lahat, as in
All in, mundo mo ay magbabago
Ready ka na bang makita?
Ibigay na ang lahat, all in

Sawa na ‘kong mag-overthink
Sumama ka lang ‘wag mo na isipin, tara

All in, kahit sa’n pa ‘to lumanding
Ikaw agad ang hahanapin
Ibubuhos ang lahat, all in
All in, mundo mo ay magbabago
Ready ka na bang makita?
Ibigay na ang lahat, all in