IKAW AT AKO AY Lyrics by Dilaw
Sinubukang ‘di tingnan ang mga larawan
Ngunit heto na naman
Sinubukang lumayo at mapag-isa
Bakit sobrang nahihirapan?
Alam kong ito ang napagusapan
Gumising sa katotohanan
Magkahawak ng mahigpit habang papalayo
Kahit saan patungo, ikaw at ako
Ikaw at ako ay magkasamang lilipad
Ikaw at ako ay sabay maglalayag
Nakahiga’t nag-iisip, pinipilit ang sarili
Parang nasa seldang masikip
Nakakulong kasama ang anino ng
Alaala mo
Hindi man ito ang aking nais
Ngunit kailangan bitawan ang mga halik mong matamis
Magkahawak ng mahigpit habang papalayo
Kahit saan patungo, ikaw at ako
Ikaw at ako ay magkasamang lilipad
Ikaw at ako ay sabay maglalayag
Sinubukang ‘di tingnan ang mga larawan
Ngunit heto
Magkahawak ng mahigpit habang papalayo
Kahit saan patungo, ikaw at ako
Ikaw at ako ay magkasamang lilipad
Ikaw at ako ay sabay maglalayag
Ikaw at ako ay magkahawak sa bawat talon
Ngunit sa pagbagsak, bakit ako nalang?
Bakit ako nalang?