LAMYERDA Lyrics by Dilaw
Tayo na sa paraiso, iwanan ang mundo
Ramdam mo na ba ang hangin kung saan tayo patungo?
Handa ka na bang gumala?
Ang araw ay sisilip mula sa’yong mga mata
Titila ang ulan at bubuhos ang pag-asa
Handa ka na bang mawala?
Tara na, halina at sumama
Halika na, ‘wag sayangin ang saya
Lilipad na ako, samahan mo ako
Kumapit ka’t huminga ng malalim
‘Pagkat nandito na tayo
Iwanan ang problema at dalhin na ang saya
Salubungin ang alon ‘wag nang malumbay
Humiga sa buhangin at sumabay
Tara na, halina at sumama
Halika na, ‘wag sayangin ang saya
Lilipad na ako, samahan mo ako
Kumapit ka’t huminga ng malalim
‘Pagkat nandito na tayo