dwta – Tabi Lyrics

Tabi Lyrics by dwta

Simula nang nawala ka
‘Kala ko’y mundo mag-iiba
Ng direksyon
‘Yon pala ako ay nasa tamang daan
Palayo sa gulo

Simula nung nakilala kita
Pinupuno mo lagi aking labi
Nang walang pasabi
‘Kala ko walang mali
Kaya hindi nagmadali
Umalis ka na sa aking

Tabi!
Tumabi ka na lang dyan
At maninira ka naman
Ipagmukha mo lang
Walang laman ang ‘yong kaluluwa
Tabi!
Tumabi ka sa daan
Nang ‘di kita mabalatan
‘Di ka karapat-dapat manatali sa aking tabi

‘Di ka na muling nakita
‘Kala ko mundo’y tahimik na
Sa mga bangungot ng nakaraan
Magpakalayo
Layo layo layo layo layo ka na lang

Bawat kilos mo at salita
Bumabaon palagi sa sarili
Kahit ‘di na tama
‘Yoko na ‘tong bitbitin
‘Di ko na rin ‘to dadamhin
Buti na lang natauhan
Kaya ngayon wala na sa iyong

Tabi!
Tumabi ka na lang dyan
At maninira ka naman
Ipagmukha mo lang
Walang laman ang ‘yong kaluluwa
Tabi!
Tumabi ka sa daan
Nang ‘di kita mabalatan
‘Di ka karapat-dapat manatali sa aking tabi

Tabi!
Tumabi ka na lang dyan
At maninira ka naman
Dun ka sa tabi ‘wag niyo ako sa kanya itabi

Tabi!
Tumabi ka na lang dyan
Aba’y nanira na naman
Pinagmukha mo lang
Walang laman ang ‘yong kaluluwa

Tabi!
‘Wag ka sakin tumabi
Pinagsasabi mo be?
‘Di ka karapat-dapat manatali sa aking tabi