Baka Tayo Lyrics by Earl Agustin
Sana ay sinabi mo noon pa lang
Na meron ka na rin palang nararamdaman
Kung sakali ma’y nalaman ko
Na meron din palang tinatagong pagtingin
E ‘di sana hindi nasayang
Ang oras at panahon nating dalawa
Sa paghihintay at sa paghuhulaan
Kung sinabi mo lang noon
Baka tayo nga ngayon
Hmm…
Bakit pa kung kailan nakausad na
Ang puso kong napagod din sa paghihintay
Kung alam mo lang, dati ay ikaw ang nasa panaginip
Dalangin at tanging hinihiling…
Ko na sana, hindi nasayang
Ang oras at panahon nating dalawa
Sa paghihintay at sa paghuhulaan
Kung sinabi mo lang noon
Baka tayo nga ngayon
Ngunit kahit na sinayang mo ang pagkakataon
Tibok ng puso ko’y sa ‘yo pa rin
Hanggang ngayon
E ‘di sana hindi nasayang
Ang oras at panahon nating dalawa
Sa paghihintay at sa paghuhulaan
Kung sinabi mo lang noon
Baka tayo nga ngayon
Hmm…