Ez Mil - Leon (Ka) Lyrics

Ez Mil Leon (Ka) cover art

Leon (Ka) Lyrics by Ez Mil

Pinoy ka, ‘no? I see you fight
Leon ka? Pakita mo bangis mo!

(Yuh) Mapa-delubyo o pagsubok, nagawa na tawanan
Dala bangis at tindi ng Pinoy sa aking larangan
Kahit karayom nilusot, di nyo ko kayang harangan
Walang duda na nanuot, patuloy lang ang paglaban

Tinitingalaan, huh, we lions on a hunt
Wag ka ngang epal jan, lil bruh! just to keep it blunt
At dahil kakaiba kumagat, lalagari lang paangat
Mga hari ng alamat, hold your heads up high

Tabe, andito na ang mga Leon

Dama ng mundo, ang bangis mo! Bangis ng Leon! (Leon!)
Ilabas mo ang bangis ng Pinoy
Talagang walang mintis! Lahat pinapanis!
Dama ng mundo, ang bangis mo! Bangis ng Leon! (Leon!)
Ikaw ang hari ng kwento mo. Ambangis mo!

(Yeah, huh) Simula pa nung pagkabata, huh! talaga ng palaban
Isang kahig, isang tuka, ‘la tong inaatrasan!
Mundo’y puno ng buwaya talangka at alakdan…
Kaya sawang sawa nako, puro nalang hatakan!
Tapos nanggagaling pa yung panghuhusga
Sa mga pa-mema!, eh nung bata
Napa-raket na para lang magka pera!
Pangil sa bakal kahit isang dosenang kadena!
Kagat parin sa pangarap mapakita lang sa buong…

Mundo ang bangis mo! Bangis ng Leon! (Leon!)
Ilabas mo ang bangis ng Pinoy
Talagang walang mintis! Lahat pinapanis!
Dama ng mundo, ang bangis mo! Bangis ng Leon!
Ikaw ang hari ng kwento mo. Ambangis mo!

Ang tanging Puhunan ay aking dugo at pawis wala nang iba
Tuloy ang hawak sa bandera kahit pa mag-isa
‘La kong pake sa laki ng sugat o galos pa ba
Dahil mala Heneral Luna, kahit butas butas pa
Ay diretso pa rin ang tingin nangangarap ng karangalan!
Para sa bayan kahit kadiliman nananawagan
Sabi nila hawakan mo ang iyong kapalaran…
Ay pati na talampakan! Tapakan lahat ng nag
Ta tapang tapangan Nais na harangan
Ng ma…

Dama ng mundo, ang bangis mo! Bangis ng Leon! (Leon!)
Ilabas mo ang tirada ng Pinoy
Na walang mintis! Lahat pinapanis!
Na-Dama ng mundo, ang bangis mo! Bangis ng Leon!(Leon!)
Ikaw ang hari ng kwento mo. Napaka bangis mo!

Ipadama sa mundo kung gaano ka kabangis
Ilabas mo ang bangis ng Pinoy
May kagat, may bangis! Lahat pinapanis!
Dama ng mundo, ang bangis mo! Bangis ng Leon!
Ikaw ang hari ng kwento mo! Ang bangis mo!

Bangis mo!
Bangis mo!
Bangis mo!

Listen, ikaw hari ng kwento mo…

Keep listening

More Songs by Ez Mil