Aswang sa Maynila Lyrics by fitterkarma
(Feat. Novocrane)
‘Di na sana
Tumingin sa mga matang
Lumuluha ng dugo
Sa tuwing tumitibok
Ang puso ko para sa’yo
Na pilit kong pakainin sa’yo
Sa huling awiting sinulat ko
Gusto kong sabihin mo
Kahit anong pilitin ko
Isa akong asawang sa Maynila
Ng puso mo
Tumayo ang balahibo nang makita kita
Gumagapang, gumuglong mga salita
Sa isipan madalas kung yakapin kita
Nangangarap araw-araw na (Makasama uli kita)
Sa dulo ng mundo hahanapin ka
Bawat dagat sisisirin tuwing hirap huminga
Kahit ako ang iyong sisihin pag malunod ka
At nalunod nga
Kaya sana sabihin mo
Kahit anong pilitin ko
Isa akong aswang sa Maynila
Ng puso mo
Paano na ako?
Kung iisip mo, kahit limutin mo
Lilibutin ko, uubusin ko ang sarili ko
Pati ang puso mo