Song lyrics

fitterkarma – Pag-Ibig ay Kanibalismo II Lyrics

Read the lyrics to “Pag-Ibig ay Kanibalismo II” by fitterkarma.

fitterkarma Pag-Ibig ay Kanibalismo II cover art
Artist fitterkarma

Pag-Ibig ay Kanibalismo II Lyrics


Tayo’y mag momotor
Sa mga kalsada ng Siquijor
At magsigawan tayo
Na parang nasa horror
Tayo’y magkatay ng tao
Sabay isalang at i-adobo
Huwag ka lang magsabi ng totoo

Ibabalik kita nang buong-buo
Pangako ‘yun sa’yo
Sa’yo lang ang puso ko
Kahit kainin mo

Magdodroga tayo
Kimi lang, bawal ‘yon (Kimi lang, bawal ‘yon)
‘Di ako masamang tao
Pumapatay lang ako
Ng kalungkutan ko
Pati ng sa’yo

Ibabalik kita nang buong-buo
Pangako ‘yun sa’yo
Sa’yo lang ang puso ko
Kahit kainin mo

At hahalik ka nang may lipstick na dugo
Sa labi kong punong-puno ng panlasa ko sa’yo

Kanibalismo, ‘di ka matiis
Kapag inalis mo, ika’y mamimiss
‘Di nagmamalinis
O ika’y mamimiss
‘Di ka matitiis
Tatlo na sais
Pag-ibig mong kay tamis