fitterkarma – Sumpa Lyrics

Sumpa Lyrics by fitterkarma

Kulamin mo ako at lagyan mo ng sumpa
Sabay lunurin mo ako sa dagat na pula
Tusuk-tusukin man ako mula sa ulo hanggang paa
Ang panalangin, pumailalim sa’yong sumpa

Kulamin mo ako kung sa’n man magpunta
Kausapin mo ako, makabisado man kita
Habambuhay man ako makulong kasama ka
Nawa’y palaring, pumailalim sa’yong sumpa

Kawawain mo sana ako
Hila-hilain ang bawat buto
Akalain mo dati ako’y
Hindi ganito kasinto
Patawanin sa kahit ano
Hanggang mawala sa sarili ko
Ikut-ikutin man ang ulo ko
Kahit ano para sa’yo
Ako’y sa’yo

Sa’yo
Sa’yo
Sa’yo