Ako Naman Lyrics by Gloc-9
(Feat. Oxsmugg)
Kung pagkakataon ay hindi para saken
Pag nasa palad mo, hindi ko kukuhanin, yeah
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Bawat hangin na binubuga sa nagbabagang hangarin nagmumula
Ang tabas ng dilang tumutugma, himayin man ang linya, di manguya
Inabot ko ang nais, di kumuda
Purong proseso ang labis na tinungga
Nalasing sa resulta ang nahita
Mas naparami ang tama kong nagawa
Paano pa ‘ko papara
Kung para sa kinabukasan ang pagpupuyatang byahe ko at ruta
Binusog ang mga tinga ng nakikinig
At sa pinatunguhan ko, hindi ako sinuka
Kaya hindi ako nakiisa sa bilang
Ng mga nakikibaka sa nagpapastol ng tupa
Inalipin ng sariling kagustuhan at ginalawan
Hindi lang ang tagumpay ang nagkusa
Nagtutulak, nagmumulat sa musika’t sinigurado na maganda bigayan
Kapag nagsusulat, sinasagad
Bumibigat pa lalo binibitawan
Hindi masisindak, tinitiyak lahat gulat
Kung nalikha ko na ay pambulagaan
Hindi matitibag ang gigil
At magbabasag pa nga ‘ko ng matagal kong katahimikan, at
Hindi na pagod magkameron nung wala
Dugo at pawis din ang halos mapiga
Kung sugal ang buhay, tumaya nang tumaya
Lumala nang lumala pagiging masiba ko sa gutom, argh
Panimula pa lang
Malalim na pagkakatarak ng rap, paano pa kaya bitawan
Kung hindi ko nagawang habulin ang pinapangarap
Pero pinagpawisan pa rin sa aking kainitan
Na kahit hilahin pababa
Ay nagpakabatak pa nga sa kinahiligan na ‘di nakipagtagisan
Para masabing may bilang ka na pag pinangilagan
Ayan ang mga katangian na hindi ko kailangan, kase
Kung pagkakataon ay hindi para saken
Pag nasa palad mo, hindi ko kukuhanin, yeah
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Pero pag ang pagkakataon ay saken
Pinapangako kong hindi ko sasayangin, yeah
Ako naman
(Ako na, ako na, ako naman)
Ako naman
(Ako na, ako na, ako naman)
Natutunan sa paglipas ng panahon
‘Di lahat ay makukuha mo
Aabutan ka, kaya magpaka-hinahon
Aabot din sa pinila mo
Buksan ang ‘yong mata
Panoorin sila
At aralin nang malalim
Ang mga nag-iba
Anihin ang hinog
Lampasan ang hilaw
Kusang lumulubog
Kusang lumilitaw
Huwag kang masilaw sa mga
Kinang
Hindi mo alam kung tunay ay ilan
Kung ‘yan ay bigay o may pinagbilhan
Kaninong anino ang nililinlang
Minsan, bulong ay malakas sa sigaw
Mas malayo ang narating ng naligaw
Tandaan mo na walang sinuman
Ang puwedeng maging mas matagumpay na ikaw
Dapat ko nang bibilisan
Ilan na bang beses ko nang nakitang at napatunayan
Madaling magpalingas
Pero mahirap alagaan
Ang apoy lumiliyab
Kahit nagkalat ang mahangin
‘Yaan mo sa kanila
Asikasuhin ang sa akin
Magtabi kapag sagana
Ang nahuhulog sa’yo
Dahil madalang ang taong
Tunay na tutulong sa’yo
Ingatan ang ikaw
Dahil bihira lamang ang kayo
Maraming matutulungan
Unahin ang sarili mo
Kung pagkakataon ay hindi para saken
Pag nasa palad mo, hindi ko kukuhanin, yeah
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Pero pag ang pagkakataon ay saken
Pinapangako kong hindi ko sasayangin, yeah
Ako naman
(Ako na, ako na, ako naman)
Ako naman
(Ako na, ako na, ako naman)
Kung pagkakataon ay hindi para saken
Pag nasa palad mo, hindi ko kukuhanin, yeah
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Sayo na ‘yan
(Sayo na, sayo na, sayo na ‘yan)
Pero pag ang pagkakataon ay saken
Pinapangako kong hindi ko sasayangin, yeah
Ako naman
(Ako na, ako na, ako naman)
Ako naman
(Ako na, ako na, ako naman)