Kaya Ko Pala Lyrics by Gloc-9
(Feat. A$tro)
Ako nga pala si Astro
At kasama ko si kuya Gloc-9
Buti nakayanan mo lahat
Nung nagkasugat sa pag-ibig
Kesa magmukmok sa pangarap ka lang tumitig
Nakahinga nung minsan lumayo
Nag-isip ng paraan kung paano lumago
Dinadama yung bawat sandali
Panahon na para magbawi
Wala naman sigurong masama
Kung sarili mo lang muna
‘Yung dapat mong mahalin
Dinaan mo sa tiis at tinatiyaga
Namuhunan para magkatotoo ‘yung hiniling
Basta, bahala na sa biyahe kung ano ibigay
Salamat sa gabay, buti hindi bumigay
Alaala na hindi mababago
Damdamin ay hindi matatago
Okay lang masawi, basta ‘wag kang mananakit
Akala ko noon ako’y pasuko na
Buti hindi bumigay
Naniwala totoo ating gabay
Kaya ko pala, kaya ko pala, ah
Kaya ko pala, kaya ko pala, ah
Alam ko na hindi madali
Natapat ka pa sa mga gahaman na yan
Lahat ng mga kailangan nating harapin
Upang mabuhay ka lang
Lakad sa putik hanggang binti
Napansin mo ba na wala ka naman sa palayan
Kayod kalabaw, lulubog lilitaw
Pero ‘ding hindi kami maiilang
Mapapalaban ka dahil hindi kami
‘Yung tipo na kaya mo lamang basta, basta
Kahit dahan, dahan pa
Mga batang Bingangonan si Astro at Ako
Kung may problema, sige pakinggan mo ito, tingnan mo
Akala ko noon ako’y pasuko na
Buti hindi bumigay
Naniwala totoo ating gabay
Kaya ko pala, kaya ko pala, ah
Kaya ko pala, kaya ko pala, ah
Kaya ko pala, kaya ko pala
Kaya ko pala, kaya ko pala, ah