FROM TIMOG MAGULO, WITH LOVE Lyrics by Hev Abi
Sinasagot ng tadhana yung mga tanong mo saking iniiwang kong blangko
Sagot ko, “wala”
Maghuhulaan nalang tayo’t hangga’t meron tayo di tayo makakawala
Asan ang dapat na alalahanin kung lamig nawawala pag yayakapin mo na ko’t wag ka munang umalis
Ano mang ang mangyari, tumabang, tumamis
Ang pagmamahal mo lagi ko tinatabi
Pinagtripan natin kahit alam nating kulang ang gabi
San dadamputin ang mga puso nating dalawa
Pag eto nawala? Wag mo na sagutin
Tanong ko, di mahalaga
At mas pipiliin ko mabuhay nang di ka kasama
Kesa mamatay bago tayo magkakilala
Mas pipiliin kong maghiwalay tayo ngayon
Kesa ang lahat ng satin di nangyari
Sasabay sa panahon, aatras abante
Mga nalalaman mong hindi mo gusto lagi
Kasabay ng bisyo’t mga walang ‘yang babae, nakapalibot
Pero di ako, di ikaw ang kinakampihan ng mga puso nating merong sariling desisyon
Tanggi mo lang, itatanggi ko dito din sabay iinumin na yung alak, bubuga yung usok
Kukuhang lakas ng loob, lalabas sa kumot
At sinasagot ng tadhana yung mga tanong mo sa aking di ko masagot kasi nga masakit
Hindi ko sinagot at di ko sinadya na mag-usap tayo nang malalim-lalim
Kaninong konsensya nawasak, sa akin habang sayo damdamin ang tama
Asan dun yung tama
Ah baka wala na
Baka asa kama
Asan na? Wala na
Pero mas pipiliin kong maghiwalay tayo ngayon
Kesa ang lahat ng satin di nangyari