IV OF SPADES – Paru-paro Lyrics

Paru-paro Lyrics by IV OF SPADES

Araw-araw kong pinagmamasdan
Ang ‘yong mukhang mahirap pintasan
Hindi ordinaryo
Aking kabisado
Ang mga bagay na dapat ay normal
Bigla na lang nagiging espesyal
Hindi maitago
Halatang may nagbago

Paruparo nabubuo
Harding nasa sikmura ko
Ano’ng gagawin? (Ano’ng gagawin?)
Sa’n ba titingin?

Kinikilig ang aking kaluluwa
Nawawala ang angas ng mukha
Pisngi’y kulay-rosas
Magka-match ng pulseras

At simple lang
Ang kailangan ko sa ‘yo

Paruparo nabubuo
Harding nasa sikmura ko
Ano’ng gagawin? (Ano’ng gagawin?)
Sa’n ba titingin?
Lumilipad ang isip ko
Bumibilis ang pusong ‘to
‘Di mapakali (‘Di mapakali)
Mapaaraw o gabi

Sana hindi ka mawalay sa ‘kin
(Paruparo nabubuo)
Sa ‘kin
(Harding nasa sikmura ko)
(Paruparo nabubuo)
(Harding nasa sikmura ko)
(Paruparo)