Jan Roberts – Kung Masusunod Lyrics

Kung Masusunod Lyrics by Jan Roberts

Nakikita ko sa’yong mga mukha
Na hindi mawangisa’t ‘di maipinta
Naghalong pagod at lungkot
Na hindi kaaya-aya
(Na hindi kaaya-aya)

Sana’y may kapangyarihan
Tanggalin ang problema mo
Sana’y may kakayahan
Pakalmahin ang puso mo
Kung masusunod lang sana ako
(Kung masusunod lang sana ako)
Kung masusunod lang sana ako

Ipararanas sa iyo ang buhay na makulay
Tatanggalin ang pagod
Sa matang malumbay
Kakaiyak sa mga problemang ‘di mabilang
Kakaiyak sa mga problemang ‘di mabilang

Nakikita mo ba sa aking mukha
Galak nag-uumapaw
Kapag kasama ka
May kahati ka sa pighati
Pasan mo’y ipaubaya

Sana’y may pagkakataong
Patunayan ang sinasabi ko
Sana ang pag-ibig ko’y
May puwang pa sa puso mo
Kung masusunod lang sana ako
Kung masusunod lang sana ako

Ipararanas sa iyo ang buhay na makulay
Tatanggalin ang pagod
Sa matang malumbay
Kakaiyak sa mga problemang ‘di mabilang
Kakaiyak sa mga problema
Kakaiyak sa mga problema

Ipararanas sa iyo ang buhay na makulay
Tatanggalin ang pagod
Sa matang malumbay
Kakaiyak sa mga problemang ‘di mabilang
Kakaiyak sa mga problemang ‘di mabilang