Jayda – Babala Lyrics

Babala Lyrics by Jayda

Mga anino sa dilim ay gumagapang
Nagmamasid at humaharang, parang
‘Di ka makaka-hakbang

Mga panganib nag-aabang sa iyong paligid
Naghihintay upang ika’y madagit
Higpitan ang kapit

Bawat hiyaw, bawat yanig ay
Mga pader ang tanging nakasilay
Nakatala rito ang bawat ingay parang
Alab at bala sa ala-ala ah

Dinggin ang mga babala
Mga bantang nakaamba
‘Pagkat hindi ito ang mundong
Inaakala mo

Dinggin ang mga babala
Imulat ang mga mata
‘Pagkat hindi ito ang mundong
Inaakala mo

Dinggin ang mga babala

Nakatago, katotohanan ay malabo
Kung nakakubli ang bawat dako, paano?
Saan tutungo?

Kailangan kong matuklasan
Ang liwanag sa dilim ng daan
Hanapin ang sagot sa lahat ng tanong
‘Di magpapadala sa bulong

Dinggin ang mga babala
Mga bantang nakaamba
‘Pagkat hindi ito ang mundong
Inaakala mo

Dinggin ang mga babala
Imulat ang mga mata
‘Pagkat hindi ito ang mundong
Inaakala mo

Dinggin ang mga babala

Bawat hiyaw, bawat yanig ay
Mga pader ang tanging nakasilay
Nakatala rito ang bawat ingay parang
Alab at bala sa ala-ala ah

Bawat hiyaw, bawat yanig ay
Mga pader ang tanging nakasilay
Nakatala rito ang bawat ingay parang
Alab at bala sa ala-ala ah

Dinggin ang mga babala
Baka ‘di na makawala
Pagkat hindi ito ang mundong
Liligtas sa’yo

Dinggin ang mga babala