juan karlos - Hanggang Lyrics

juan karlos Hanggang cover art

Hanggang Lyrics by juan karlos

Ilang ulit mo nang itinatanong sa ‘kin
Kung hanggang saan?
Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan magtatagal
Ang aking pagmamahal?

Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa ‘ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita’y iniibig

Giliw, ‘wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
‘Di ko magagawang
Lumayo sa’yong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Hanggang ang diwa ko
Tanging sa ‘yo laan
Mamahalin kailanman
Hanggang pag-ibig ko’y
Hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang

Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa ‘ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita’y iniibig

Giliw, ‘wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
‘Di ko magagawang
Lumayo sa’yong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Hanggang may puso akong marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay laging ikaw
Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan kitang mahal?
Hanggang ang buhay ko’y kunin ng Maykapal

Giliw, ‘wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
‘Di ko magagawang
Lumayo, oh
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw, ooh

Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw

Keep listening

More Songs by juan karlos