justin – dahon Lyrics

dahon Lyrics by justin

Paiba-iba man nang gustong gawin
Kung saan-saan ka man nakatingin
Mahiyain man ang ‘yong mga labi
Kahit na ako’y mainis, ako’y magtampo
Susuyuin pa rin, dahil

Walang iba akong nais makita (Habang-buhay)
Walang ibang ngiti ang may bisa, oh, ooh-woah

Sa’yo lang, sa’yo lang, sa’yo lang
Sa’yo lang, sa’yo lang, sa’yo pa rin
Mahulog man ang mga dahon
Lumipas maraming taon
Magbago man ang lahat sa mundo
Mananatili ako sa’yo

Dumating man ang araw na ako’y iyong masaktan
Kung saan tayo nagsimula, aking babalikan
‘Di natin mapipigilan ang orasan
Susulitin bawat buwan, gagawan ng paraan
Para ipagkasya ang habang-buhay sa katiting na mundo

Walang iba akong nais makasama (Habang-buhay)
Walang ibang pangalan ang paborito kong banggitin, oh-oh, ooh-woah

Sa’yo lang, sa’yo lang, sa’yo lang
Sa’yo lang, sa’yo lang, sa’yo pa rin
Mahulog man ang mga dahon
Lumipas maraming taon
Magbago man ang lahat sa mundo
Mananatili ako, oh

Sa bawat pag-iba simoy ng hangin (Na para bang bagyo)
Sa bawat anyo mong makilala ko pa
Sa bawat linyang sasambitin
Nasisilayan sa gilid ng iyong mga mata
At sa mga dahong lalapit sa langit (At hihimlay sa lupa)
Mahaba o maikli man ang yugto
Malambing man o malupit ang hatid nito
Magbago man ang lahat sa mundo, mananatili ako sa’yo