Libu-Libong Buwan (Uuwian) Lyrics by Kyle Raphael
Kahit saan, kahit kailan
Kahit anong bagyo pa man ang dumaan
Ikaw pa ri’y pupuntahan, mm
At kung ano man ang nararamdaman
Asahan mong ako’y andito lang
‘Di ako lalayo kailan pa man
Kailan pa man
At kahit madalas na tayong ‘di magkasunduan
Ikaw pa rin ang uuwian
Mahal, ikaw ang uuwian
Baguhin man ng libu-libong buwan
Ang kulay ng kalangitan, pangako ko, hindi kita iiwan
Pangako ‘yan
At kahit madalas na tayong ‘di magkasunduan
Ikaw pa rin ang uuwian
Mahal, ikaw ang uuwian
At kung umabot man sa dulo at tatanda na tayo
Ikaw pa rin ang uuwian
At kahit na maghirap tayo, ‘di na magbabago
Ikaw pa rin ang uuwian
Ikaw pa rin, oh, ikaw pa rin
Ikaw lang ang uuwian