KZ Tandingan & Gloc-9 - Luha ng Buwaya Lyrics

KZ Tandingan Luha ng Buwaya cover art

Luha ng Buwaya Lyrics by KZ Tandingan & Gloc-9
(Feat. Gloc-9)

Walang pake kung kami ay malunod sa baha
Basta lunod mga bulsa ng mga nakaw na biyaya
‘Di mahihiya, pakapalan ng mukha
‘Wag magpapaniwala sa mga luha ng buwaya

Nagbabadya na naman ang langit
Mag-angat na ng mga gamit
Sigaw ng tatay kong suot ang mga botas niyang punit
Batya-batya na naman ang tubig
Tagos sa mga butas ng bubong namin
Sana’y tumila na ang ulan bago sumapit ang dilim

Kasi ‘pag lumalim
Sa’n kakapit ang mga kapit sa patalim?

Walang pake kung kami ay malunod sa baha
Basta lunod mga bulsa ng mga nakaw na biyaya
‘Di mahihiya, pakapalan ng mukha
‘Wag magpapaniwala sa mga luha ng buwaya

Isisigaw namin ang dapat madinig ng lahat
Tatalupan ng matalim ang huwad na pabalat
Bandila ng mga api ang dapat na iangat
Paulit-ulit na kwento, iba lang ang pamagat
Ituturo silang ayaw na masundot sa mukha
Susukatin ang agwat ng mga meron sa wala
Kakahig ng isang daan nang maka-isang tuka
Titingala, umaasa na lamang sa himala
Lalakad sa kalsada na nakataas ang kamay
Bakit habang panahon na po kaming umaaray?
Mga hampas at latay sa likod na inuunday
Nagpapasalamat pa rin sa kaunting binigay
Mananaginip hanggang sa ito’y magkatotoo
Nakangiti habang ako’y nilalapastangan mo
Sinusunog pa rin nila kahit na puro abo
Na lamang ang naiwan at natira sa ‘min dito
Lupa na sinilangan ang tanging pinipili ko
Kahit mahirap ang buhay ang siyang tanging hiling ko
Dumating ang araw na wala nang Pinoy na tuliro
Ang mga bata ay may kinabukasang hindi baliko

Walang pake kung kami ay malunod sa baha
Basta lunod mga bulsa ng mga nakaw na biyaya
‘Di mahihiya, pakapalan ng mukha
‘Wag magpapaniwala sa mga luha ng buwaya
Buwaya

Mga abot nila ay pwede kong makuha at kaya
Iyong karapatan na dapat hawakan ng malaya
Sa huli bakit parang tayo din ang siyang dumadaya?
Mga lasing nating iniinom ang luha ng buwaya

Keep listening

More Songs by KZ Tandingan