Abelyana Lyrics by Maki
Nakangiti nang mag-isa
Napanaginipan na naman kita
Takot ako sa matataas pero kung sa’yo mahuhulog
Ayos lang masiraan ng ulo
Hawak mo naman aking puso
Kung ako man ay tanungin mo
Hindi ikakaila ang kakakaibang
Kuntento na nadarama, sana hindi na mabalewala
Inipon kong kumpyansa
Para lang makasilip sa
Pasulyap-sulyap mong mata
Ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata
Pwede bang sabihin mo na
Kung may pagtingin ka rin sa akin?
At kung malabo man pwede bang dagdagan nalang ng grado ang salamin
Para malinaw sa ating dalawa
Mahirap ang paligoy ligoy pa (pwede ba)
Wag na nating patagalin sige na
(Sumbong kita kay tadhana)
Subukan mo namang tumaya
(Kasi)
Iba ka na makatingin
Na para bang ika’y may pagtingin
Sa akin
Kung ako man ay tanungin mo
Hindi ko tatanggihan
Mga ganyang hamunan
Medyo nakakakaba
Kung nakamamatay ang pagtitig ay
Matagal na’kong biktima
(Ng)
Pasulyap-sulyap mong mata
Ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata
Pwede bang sabihin mo na
Kung may pagtingin ka rin sa akin?
At kung malabo man pwede bang dagdagan nalang ng grado ang salamin
Pasulyap-sulyap mong mata
Ano nga ba tayo talaga?
Wala namang nakakahalata
Pwede bang sabihin mo na
Sabihin mo na
Ang nadarama
At kung malabo man pwede bang tanggalin ko na lang ang salamin
Para kunwari sa’kin ka nakatingin