Maki - Bughaw Lyrics

Maki Bughaw cover art

Bughaw Lyrics by Maki

Bughaw sa’king mata ay nagbago na
Ibig ba sabihin nun ay, hindi na ako bulag
At ang bawat kislap ng gunita
Nagiging bagong alaala

I’ve waited all my life
Just to be with you, this time

Kasi kay tagal din naging tanga
Nalunod sa sarili kong mga luha
Pero hinawakan mo aking kamay
Pwede bang dito nalang tayo habang buhay?

Habulin natin sabay ang araw
Hanggang ating matanaw
Dulo ng ating bughaw

Saan man tayo mapadpad
Kahit gaano man kalayo sa isa’t isa
Bughaw ang dagat at langit
Nakakalula sa lalim
Ang yong puso

Oh oh woah
Oh oh woah
Oh oh woah
Oh oh woah

Kung saan saang kanto ako napadpad
Patungo sa buwan pero nadatnan ang tunay na kahulugan ng pag paypay ng hangin
Alopay patungo saakin

Everything’s worth the while
Now that you’re with me now

Kasi kay tagal din naging tanga
Nalunod sa sarili kong mga luha
Pero pag mulat ko, andiyan ka pa
Pwede bang dito ka nalang habang buhay?

Habulin natin sabay ang araw
Hanggang ating matanaw
Dulo ng ating bughaw
Saan man tayo mapadpad
Kahit gaano man kalayo sa isa’t isa

Bughaw ang dagat at langit
Nakakalula sa lalim ang yong puso

Pag nabibighani o nalulunod
Inaalon mo ako patungo sa bisig mo
Pwede bang gan’to nalang tayo
Hanggang sa mamatay?

Habulin natin sabay ang araw
Hanggang ating matanaw
Dulo ng ating bughaw
Saan man tayo mapadpad
Kahit gaano man kalayo sa isa’t isa

Bughaw ang dagat at langit
Nakakalula sa lalim ang yong puso