Maki – itim na ulap Lyrics

itim na ulap Lyrics by Maki

Bigla bigla kang nanghahalik
Kung nasaan ako, nandun ka rin
Hinding-hindi ako nagkamaling piliin ka
Buti na lang pinili mo rin ako

At kahit ano pa ang madarama
Hindi ka nagsasawa
At kahit na gabing-gabi na ako umuuwi sa bahay
Ikaw ang naghihintay

Kapag itim na ang ulap
Tuwing bumubuhos ang ulan sa aking mga mata
Oh, sana kasama pa rin kita
Kahit maputi na ang buhok ko

Kahit bigla kang nagsusungit
Wala akong ipagpapalit na saglit
At kung siyam na buhay man ang ibigay sakin ng kalawakan
Alam mo bang ikaw pa rin ang pipiliin ko

Kahit ano pang madarama
Hindi ka pagsasawaan
At kahit sandali ka lang nakilala
Habang-buhay na kitang maaalala

Kapag itim na ang ulap
Tuwing bumubuhos ang ulan sa aking mga mata
Oh, sana kasama pa rin kita
Kahit maputi na ang buhok ko

Kapag itim na ang ulap
Tuwing bumubuhos ang ulan
Sa aking mga mata
Sana, oh sana di na lang
Pumuti ang buhok ko

Kung mawawala naman itim na ulap ko