Umpisa Lyrics by Moira ft. Adie
Sa umpisa lang ba laging maganda
Nalimutan ko na yata maging masaya
Hindi na alam ang nararamdaman
Bakit parang mag-isa na lang lumalaban
Sa una lang ba, ‘lang kahati sa
Sa’yong mga matang akala ko ako lang
Ang tinitignan habang ako ay hagkan
Iba na ba tumatakbo sa isipan
Pero kung sa dulo ay magigising
At lalo lang mas hihigpit ang mga yakap mo
Sulit na ang luha ko
At kahit parang imposibleng isipin
Balang-araw ako ay ‘yong mas mamahalin
Pero pa’no kung hindi
Sa umpisa lang ba, lalabas mga
Pangitaing gagarantiya
‘Di rin maitanggi kuhang-kuha mo ‘ko
Sa mga pakulo mo
Ngunit parang naglalaro tayo ng
Mataya-taya, mahuli tanga
O parang masyadong halata
Kahit pa na ‘di sadyaing ipakita
Kitang-kita na magpapakumbaba
Tatanggapin pa rin dito sa’king piling
Pero kung sa dulo ay magigising
At lalo lang mas hihigpit ang mga yakap mo
Sulit na ang luha ko
At kahit parang imposibleng isipin
Balang-araw ako ay ‘yong mas mamahalin
Pero pa’no kung hindi (pero kahit pa hindi)
Mag-iipon ulit ng ala-ala
Kung sakali man na umalis ka
‘Di ka naman natitiis
Hanggang dito na lang ba tayo lagi
May pag-ibig bang ‘di naluluma
Titigan man magdamag ‘di magsasawa
Pwede ko pa bang hintayin
Ngayo’y oras na ‘di na kailangang bilangin
Ang dating parang imposibleng isipin
Balang-araw ay tatawanan na lang natin
Panatag na sa’yong piling
