mrld - Panata Lyrics

mrld Panata cover art

Panata Lyrics by mrld

Kung ako ay papalarin
Na ako’y iyong mahal na rin
Hindi ko sasayangin
Kahit na ilan pa mang hadlang
O pagsubok ang dumating
Mas lalong pagtibayin

Ang tahanang sa ‘tin lamang nakalaan
At ang tangi mong takbuhan
Kase

Pangakong ako ang kanlungan
Sa tuwing dumadalaw ang pagod at lungkot
At hinding hindi ka iiwan
Nandito ako, ang iyong tagasalo
Pangakong ‘di na maglalaho
Sa ‘kin ka lang sumilong

Kung mundo ko ma’y gumuho
At di ko alam ang gagawin
Sayo ako kakapit
Saksi ang langit sa paglaban
At pinagdaanan kong sakit
Handa akong gagawin ulit

Ang tahanang sa ‘tin lamang nakalaan
‘Wag na ‘wag nating bitawan
Kase

Pangakong ako ang kanlungan
Sa tuwing dumadalaw ang pagod at lungkot
At hinding hindi ka iiwan
Nandito ako, ang iyong tagasalo
Pangakong ‘di na maglalaho
Sa ‘kin ka lang sumilong

Panata, panata
Panata ko’y nag-iisa
Panata, panata
Panata ko’y ikaw mahal
Panata, panata
Panata ko’y nag-iisa
Panata, panata
Panata ko’y ikaw mahal

Pangakong ako ang kanlungan
Sa tuwing dumadalaw ang pagod at lungkot
At hinding hindi ka iiwan
Nandito ako, ang iyong tagasalo
Pangakong ‘di na maglalaho
Hinding hindi sa ‘yo susuko
Sa ‘kin ka lang sumilong

Keep listening

More Songs by mrld