Tulala Lyrics by nicole
Ang payapa ng mundo
‘Pag nakatitig sa iyo
Ang tahimik ng paligid
Habang ikaw ay natutulog
Malalaman mo ba ito
Na ako’y
Ako’y
Tulala sa iyo
Habang mga mata mo’y sarado
Tila ba ako ang tulog
Na nanaginip sa iyo
‘Di namamalayan
Ang pagtakbo
Ng orasan sa ‘king relo
Dahan-dahan
Ang mundo ko
Na umiikot sa iyo
Malalaman mo ba ito
Na ako’y
Ako’y
Tulala sa iyo
Habang mga mata mo’y sarado
Tila ba ako ang tulog
Na nanaginip sa iyo
Sa iyo…
Sa iyo…
Tulala ako sa ‘yo, sa ‘yo, sa ‘yo
Tulala ako sa kagandahan mo
Tulala sa iyo
Habang mga mata mo’y sarado
Tila ba ako ang tulog
Na nanaginip sa iyo