Manatili Lyrics by Over October
Dahan-dahan nang
Bumibigat ang ‘yong mga mata
Tahimik ang gabi
Payapa ka sa aking tabi
Sumandal ka sa’kin
Bigat ng bukas aking aakuhin
Panalangin ko’y dinggin
Habang buhay sa saglit na ‘to ay manatili
‘Di makagalaw
Ayoko sanang gisingin ka
Ang pintig ng dibdib
Nakikiusap pwede bang ‘wag munang umuwi
Kung hawak ko ang oras
Ipagpapaliban muna’ng pagdating ng bukas
Panalangin ko’y dinggin
Habang buhay sa saglit na ‘to ay manatili
At kung sakaling bingi pala ang langit
‘Pagpapabilin sa mga bituin
Sana’y makarating
Panalangin ko’y dinggin
Habang buhay sa saglit na ‘to ay manatili
Panalangin ko’y dinggin
(Pwede bang itigil ang pag-ikot ng mundo at parang ‘di ko yata kaya na matapos ang gabi)
Habang buhay sa saglit na ‘to ay manatili
(Pwede bang itigil ang pag-ikot ng mundo at parang ‘di ko yata kaya na matapos ang gabi)
Pwede bang itigil ang pag-ikot ng mundo?
Parang ‘di ko yata kaya na matapos ang gabi