rhodessa - MRT Lyrics

rhodessa MRT cover art

MRT Lyrics by rhodessa

Pwede ba tayong magkita
Mamayang alas-dyes, do’n sa Cubao?
Ikaw ang bahala
Kung anong gagawin
Kahit pa tirik ang araw
Okay lang, okay lang basta ikaw
Ikaw, ikaw, ikaw

O kaya sa Makati?
Payag ka ba kahit siksikan pa sa MRT?
Sanay naman akong
Ipagsiksikan ang aking sarili
Sa tao na hindi ako gusto

Hanggang kailan ko kaya ‘to matitiis
Na para bang nanghihina ako
‘Pag ika’y nami-miss?

Nakakairita naman kasi
‘Di mo pa rin napapansin
Ang lihim ko na pagtingin
‘Wag ka mag-alala
Kahit na alanganin
Ako’y maghihintay pa rin
Ikaw at ikaw lang, ikaw at ikaw lang

Kahit ano ay gagawin ko
Para alam mo na seryoso ako
Ngayon lang napagtanto
‘Wag ka naman sana lumayo
Saan ba patungo?
Sana walang magbago
Sana gusto mo rin ako, woah, woah

Hanggang kailan ko kaya ‘to matitiis
Na para bang nanghihina ako
‘Pag ika’y nami-miss?

Hay nako, nakakairita naman kasi
‘Di mo pa rin napapansin
Ang lihim ko na pagtingin
‘Wag ka mag-alala
Kahit na alanganin
Ako’y maghihintay pa rin
Ikaw at ikaw lang, ikaw at ikaw lang

Pwede ba tayo magkita?
Pwede ba tayo magkita do’n sa Cubao?
O kaya sa Makati? O kaya sa Makati?
Kahit siksikan sa MRT

Hay nako, nakakairita naman kasi
‘Di mo pa rin napapansin
Ang lihim ko na pagtingin
‘Wag ka mag-alala
Kahit na alanganin
Ako’y maghihintay pa rin
Ikaw at ikaw lang, ikaw at ikaw lang

Nakakairita, nakakabaliw
Nandiyan ba ako sa puso mo?
‘Yan lang ang hiling
Kahit ‘di mo sabihin ay kayang tanggapin
Dito lang ako (Dito lang ako)
Dito lang ako
Dito lang ako
Dito lang ako

Keep listening

More Songs by rhodessa