Sarah Geronimo — Tala Lyrics

Tala by Sarah Geronimo

Tala, tala, tala…
Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata
Tala, tala, tala…
Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

Siguro nga masyadong mabilis
Ang pagyanig
Ng puso ko
Para sa puso mo
Siguro nga ako ay makulit
Ayaw makinig
Sa takbo ng isip
Hindi ko maipilit

Tila ako’y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa iyong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala…
Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata
Tala, tala, tala…
Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

Maaaring kinabukasan
Ay mag iba na ang
Ihip ng iyong ninanais
Ngunit maaaring bang kahit na
Pansamantala lang
Ikaw muna’y maging akin

Tila ako’y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa iyong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala…
Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata
Tala, tala, tala…
Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

Hindi man ako
Nilagay sa mundong ito
Para sa iyo
Parang nakatingin
Ang buong daigdig
‘Pag ako’y yakap-yakap mo
Oh…

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala…
Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata
Tala, tala, tala…
Ang ningning ng ‘yong mga mata’y nahanap ko sa mga tala
Ahhh…ahhh…

Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko sa ‘yong mga mata
Nakikita ko sa ‘yong mga mata
Ang ningning ng iyong mga mata’y nahanap ko sa mga tala

YouTube video