’Di Na Masakit Lyrics by The Juans
Paggising ko isang umaga
Bigat sa puso ko’y wala na
Kung dati’y laging walang gana
Lahat ngayon, haharapin ako’y handa na (Ako’y handa na)
Akala ko hindi na kayang makawala sa alaala
Pagkatapos ng dilim, masasabi kong
‘Di na masakit
Buti na lang nung ika’y nawala
Pinili kong makalaya
Kaya ko nang lumakad mag-isa
‘Di na, ‘di na, ‘di na, ‘di na masakit
Ngayon ay kaya nang ngumiti
‘Di na yung mukhang pilit
Tumawang mag-isa kahit paulit-ulit
At kahit muli kang makita
Alam kong napatawad na kita
Akala ko hindi na kayang makawala sa alaala
Pagkatapos ng dilim, masasabi kong
‘Di na masakit
Buti na lang nung ika’y nawala
Pinili kong makalaya
Kaya ko nang lumakad mag-isa
‘Di na, ‘di na, ‘di na, ‘di na masakit
Kaya ko pala nang wala ka
‘Di na ‘ko natatatakot na maiwang mag-isa
Kung noon hirap akong iwanan ka
Buti na lang ngayon, ‘di na masakit
‘Di na, ‘di na, ‘di na
‘Di na masakit
Kaya ko pala nang wala ka
‘Di na ‘ko natatatakot na maiwang mag-isa
Kung noon hirap akong iwanan ka
Buti na lang ngayon, ‘di na masakit